Project: FILIP13
RETORIKA : Sariling Pagkakakilanlan ng
mga PILIPINO
Paggamit ng alibata sa kasalukuyang panahon, pabor ka ba?
Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.
Lahat tayo ay tinuruang sumulat nang bata pa
lang tayo. Lahat tayo ay nakilala ang Alpabetong Filipino. At ito ang ating
naging sandata sa lahat ng aspeto ng buhay magpasahanggang ngayong. Ang
kaalamang ito ay kasa-kasama natin sa bawat oras at sandali. Hindi tayo
matututong bumasa kung hindi tayo marunong sumulat.
Subalit paano kung ang kinilala nating mga
ttik ay biglang baguhin at ang alibata o ang baybayin na sinaunag palatitikan
ng mga ninuno nating Pilipino ay ibalik at iutos na ito ang na ang gagamitin,
papayag ka ba? Iyan po ang paksa ng aking talumpati ngayon.
Matagal na nating kasa-kasaman ang Alpabetong
Filipino. Katuwang natin ito sa pag-aaral. Natutunan natin ang matematika mula
sa pinaka simpleng pagbilang hanggang sa paglutas ng mga problema sa algebra,geometry at trigonometry. Natutunan natin
ang agham mula sa pagkilala ng ating 5 senses hanggang sa
biology, chemistry at physics. Natutunan
din nating bumasa ng aralin hanggang sa pagbasa ng mga akdang Pilipino at
banyaga. Kasa-kasama natin ito sa pagkatuto.
Malayo na ang narating ng mga Pilipino na
kasama ang Romanisadong titik, hindi na kailangan pang ibalik ang dati. Subalit
hindi nangangahulugang itatakwil at kalilimutan na ito. Mananatili pa rin itong
parte ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Kahit na
Alpabetong Filipino ang ginagamit nating titik, mananatiling alibata ang tunay
na tatak ng mga Pilipino sapagkat kahit anong mangyari, mananatili pa rin itong
ebidensya na ang mga ninuno nating Pilipino ay may sarili nang sistema bago pa
man dumating ang mga mananakop na Kastila.
Ang hindi paggamit ng alibata ay hindi
nangangahulugang itinatakwil na natin ang pagka-Pilipino natin. Sadyang mahirap
lang talagang gamitin ang sistemang pabaybay sa kasalukuyang panahon na patitik
na ang sistema. Malaki ang pagbabago nito sa atin.
Sa tingin ko, walang masama sa pagyakap ng
titik- Romano. Hindi naman natin kinalilimutan ang sinaunag sistema. Ang
kailangan lang ay maitaguyod ang pagbabahagi sa mga bagong henerasyon ng
kabataan ang kasaysayan ng ating bansa kabilang na rito ang pagpapakilala sa
ating sinaunang sistema ng pagsulat… ang alibata.
Retorika ng Facebook
Sa patuloy na pagunlad ng mundo, maraming pagbabago at inobasyon
at ginagawa ng makabagay na tao, mula sa
yugto ng industiyalisasyon hanggang sa kasalukuyang mga panahon, at kakambal na
ng mga inobasyong ito ang mga layunin na maaring makagaan o mapadali ang buhay
ng tao, mula sa manwal na paggawa ng mga tao, sa transportasyon hanggang sa
komunikasyon. Isa sa mga bagay na ito ay ang kinahuhumalingan ng mga kabataan
ung mga tinatawag na ‘Social Networks’ particular na ang peysbuk o mas kilalang
facebook.
Katangian:
Dahil may mga layunin, kinakailangan din na obserbahan ang mga
katangian ng lubos na kinahuhumalingan ng kabataan ang facebook. Bakit?
Unang una, kinahuhumalingan ito dahil sa katangian nito na
maaaring makapagugnay-ugnay ang mga mahal sa buhay na malayo ang distansya.
Pangalawa, ang pagpapasa-pasa ng mga impormasyon sa mga media
ito’y importante, upang makapaghatid ng sariwang impormasyon at upang
makaimpluwensya ng mga mamamayan na maari nilang mauto.
Pangatlo, ay ang katangian nitong magkaron ng malayang saloonin
sa isang paksa dahil sa mga comment box at like functionalities nito.
Pangapat at ang pinakahuli ay ang katangian nitong
makaimpluwensya masama man o mabuti sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga
nakaka-adik na laro at kung ano ano pa.
Estilo:
Sa retorika ng facebook, kadalasan na ginagamit ng mga tao rito
ay ang mga salitang balbal lalung lao na sa mga pribadong mga account, ngunit
sa kabilang banda, ang mga ibang advertisement ay gumagamit ng mga pormal na
estilo sa pagpapahayag ng retorika.
COMICS RELIEF
EDITORIAL
Retorika Megaphone
Bilang isang sining ng mabisang pag-gamit ng epektibong salita, ito ay nagbibigay lakas, sa kahit sinong tao, na marinig at pakinggan, ng kanyang mga tagapakinig. Ito'y hindi lamang pag-papaganda ng mga salita't sanaysay na lumalabas sa ating wika, kundi ito ay ang maayos na pag-hahatid ng ating mensahe at punto sa mga tao. Ito'y parang isang megaphone, dahil kahit sinong gumamit ng isang megaphone, ay tiyak na madidinig ng mga tao sa kanyang paligid, malamang dahil sa ingay at lakas ng boses na kanyang ipinaparinig. Pero ang retorika ay hindi ingay ang ginagamit para makapaghikayat ng mga taingang makikinig at mga isip na nang-uunawa, kundi ginagamit nito ang sining at agham ng pakikipagtalastasan, para madinig o bumenta sa mga tao ang ating sinasalita. Ito ay nagbibigay lakas, sa kahit sino mang tao, na mahusay sa pag-gamit ng wika.
Reference:
http://www.studymode.com/subjects/filipino-thesis-tungkol-sa-retorika-page1.html