Wednesday, February 13, 2013

Retorika ni Juan


Project: FILIP13

 

RETORIKA : Sariling Pagkakakilanlan ng mga PILIPINO


Paggamit ng alibata sa kasalukuyang panahon, pabor ka ba?




Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.
Lahat tayo ay tinuruang sumulat nang bata pa lang tayo. Lahat tayo ay nakilala ang Alpabetong Filipino. At ito ang ating naging sandata sa lahat ng aspeto ng buhay magpasahanggang ngayong. Ang kaalamang ito ay kasa-kasama natin sa bawat oras at sandali. Hindi tayo matututong bumasa kung hindi tayo marunong sumulat.
Subalit paano kung ang kinilala nating mga ttik ay biglang baguhin at ang alibata o ang baybayin na sinaunag palatitikan ng mga ninuno nating Pilipino ay ibalik at iutos na ito ang na ang gagamitin, papayag ka ba? Iyan po ang paksa ng aking talumpati ngayon.
Matagal na nating kasa-kasaman ang Alpabetong Filipino. Katuwang natin ito sa pag-aaral. Natutunan natin ang matematika mula sa pinaka simpleng pagbilang hanggang sa paglutas ng mga problema sa algebra,geometry at trigonometry. Natutunan natin ang agham mula sa pagkilala ng ating 5 senses hanggang sa biology, chemistry at physicsNatutunan din nating bumasa ng aralin hanggang sa pagbasa ng mga akdang Pilipino at banyaga. Kasa-kasama natin ito sa pagkatuto.
Malayo na ang narating ng mga Pilipino na kasama ang Romanisadong titik, hindi na kailangan pang ibalik ang dati. Subalit hindi nangangahulugang itatakwil at kalilimutan na ito. Mananatili pa rin itong parte ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Kahit na Alpabetong Filipino ang ginagamit nating titik, mananatiling alibata ang tunay na tatak ng mga Pilipino sapagkat kahit anong mangyari, mananatili pa rin itong ebidensya na ang mga ninuno nating Pilipino ay may sarili nang sistema bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila.
Ang hindi paggamit ng alibata ay hindi nangangahulugang itinatakwil na natin ang pagka-Pilipino natin. Sadyang mahirap lang talagang gamitin ang sistemang pabaybay sa kasalukuyang panahon na patitik na ang sistema. Malaki ang pagbabago nito sa atin.
Sa tingin ko, walang masama sa pagyakap ng titik- Romano. Hindi naman natin kinalilimutan ang sinaunag sistema. Ang kailangan lang ay maitaguyod ang pagbabahagi sa mga bagong henerasyon ng kabataan ang kasaysayan ng ating bansa kabilang na rito ang pagpapakilala sa ating sinaunang sistema ng pagsulat… ang alibata.





Retorika ng Facebook

Sa patuloy na pagunlad ng mundo, maraming pagbabago at inobasyon  at ginagawa ng makabagay na tao, mula sa yugto ng industiyalisasyon hanggang sa kasalukuyang mga panahon, at kakambal na ng mga inobasyong ito ang mga layunin na maaring makagaan o mapadali ang buhay ng tao, mula sa manwal na paggawa ng mga tao, sa transportasyon hanggang sa komunikasyon. Isa sa mga bagay na ito ay ang kinahuhumalingan ng mga kabataan ung mga tinatawag na ‘Social Networks’ particular na ang peysbuk o mas kilalang facebook.
Katangian:
Dahil may mga layunin, kinakailangan din na obserbahan ang mga katangian ng lubos na kinahuhumalingan ng kabataan ang facebook. Bakit?
Unang una, kinahuhumalingan ito dahil sa katangian nito na maaaring makapagugnay-ugnay ang mga mahal sa buhay na malayo ang distansya.
Pangalawa, ang pagpapasa-pasa ng mga impormasyon sa mga media ito’y importante, upang makapaghatid ng sariwang impormasyon at upang makaimpluwensya ng mga mamamayan na maari nilang mauto.
Pangatlo, ay ang katangian nitong magkaron ng malayang saloonin sa isang paksa dahil sa mga comment box at like functionalities nito.
Pangapat at ang pinakahuli ay ang katangian nitong makaimpluwensya masama man o mabuti sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga nakaka-adik na laro at kung ano ano pa.
Estilo:
Sa retorika ng facebook, kadalasan na ginagamit ng mga tao rito ay ang mga salitang balbal lalung lao na sa mga pribadong mga account, ngunit sa kabilang banda, ang mga ibang advertisement ay gumagamit ng mga pormal na estilo sa pagpapahayag ng retorika.

COMICS RELIEF






EDITORIAL














Retorika Megaphone

Bilang isang sining ng mabisang pag-gamit ng epektibong salita, ito ay nagbibigay lakas, sa kahit sinong tao, na marinig at pakinggan, ng kanyang mga tagapakinig. Ito'y hindi lamang pag-papaganda ng mga salita't sanaysay na lumalabas sa ating wika, kundi ito ay ang maayos na pag-hahatid ng ating mensahe at punto sa mga tao. Ito'y parang isang megaphone, dahil kahit sinong gumamit ng isang megaphone, ay tiyak na madidinig ng mga tao sa kanyang paligid, malamang dahil sa ingay at lakas ng boses na kanyang ipinaparinig. Pero ang retorika ay hindi ingay ang ginagamit para makapaghikayat ng mga taingang makikinig at mga isip na nang-uunawa, kundi ginagamit nito ang sining at agham ng pakikipagtalastasan, para madinig o bumenta sa mga tao ang ating sinasalita. Ito ay nagbibigay lakas, sa kahit sino mang tao, na mahusay sa pag-gamit ng wika.








Reference:
http://www.studymode.com/subjects/filipino-thesis-tungkol-sa-retorika-page1.html